BrigadaEskwela

Ang CARD SME Bank ay nakibahagi at sumuporta sa programang BrigadaEskwela ng DepEd sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga guro at mga mag-aaral ng San Pablo Central School sa Laguna.

Noong Hunyo 1, sa pangunguna ni Ginoong Boyet Dequito, President at CEO, ipinamahagi ang mga school supplies para sa ilang mag-aaral na nangangailan nito. Ang mga ito ay tinanggap nina Michelle Dorado, School Principal at Minerva M. Rosales, Master Teacher 2 at Brigada Coordinator.

Ayon kay Ginoong Dequito, isa sa mga adbokasiya ng CARD MRI, na kung saan ang CARD SME Bank ay kabilang na institusyon, ang pagtulong sa sektor ng edukasyon. “Napili namin ang San Pablo Central School dahil sila rin ay tumutulong sa min upang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pag-iimpok,” dagdag pa niya.

Nagtungo rin ang ilang kawani ng bangko sa nasabing paaralan upang tumulong sa paglilinis at pag sasa-ayos nito upang ito ay ihanda sa darating na pasukan.

Ang CARD SME Bank ay isang thrift bank na mayroong iba’t ibang produkto tulad ng savings, remittance, at iba’t ibang uri ng loans.